Ako'y may biglang naalala
Ang araw na iy0n ay espesyal pala
Kaya't ako'y nagmamadali baka mahuli sa eskwela.
Pagpasok sa silid-aralan
Diretso agad sa upuan
Sabay sulyap sa likuran
Inaalam kung si "k'wan" ay andyan.
Sa kanyang kaarawan
Si "k'wan" ay lumiban
Kung bakit, di ko alam
Ewan k0 kung siya'y nasaan.
Hay naku! Sayang talaga
Ako sa kanya'y may ibibigay pa naman sana
Matagal ko it0ng pinaghandaan
masasayang lang pala
Regalong sigurad0ng magugustuhan niya.
Sa tul0ng ng kaklase, aking nalaman
Siya'y lumipat na pala sa ibang paaralan
Wala man lang pasabi't di nagpaalam
Damdamin sa kanya di tuloy naipaalam
Kahit siya man ay lumisan
Ak0'y iwan na luhaan
Puso't isipan man ay balutin ng kalungkutan,
Mga alaala niya'y babalik-balikan
Paglalakbay k0 ay patul0y lang
Alon ng buhay ay aag0s pa naman
Malay natin sa kinabukasan
Kami'y muling pagtagpuin ng kapalaran...
Sana Naman!