Nang una kitang makita
Nagustuhan na agad kita
Sabik na sabik akong mahawakan ka
Hanggang sa nilapit ko ang kamay ko sayo
At nagustuhan mo naman ito
Hindi nagtagal ay napasaakin ka
Bawat sandali'y ikaw ang kasama
Baliw na baliw na nga ako sayo
Kahit itanong mo pa sa Lola ko
Sasabihin nitong "adik si Recci sayo"
Araw-gabi kasama ka sa tabi
Minamasdan kang kumaing nakangiti
Sa pag tulog yakap-yakap ka
Sa pag gising ikaw ang nakikita
Sana'y di na ito matapos pa
Ngunit isang araw'y nag-iba ka
Bigla kang nanghina at nagsusuka
Ewan ko ba akoy kinakabahan na
Hanggang sa ika'y natumba't nawalan ng hininga
Lang hiya! Nilason ang aso kong si Mika.
Tuesday, October 18, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)