Lamig ng hangi'y kay tindi
Alon sa dagat ay kaysarap pagmasdan
Lalo pa't nasisinagan ng buwan
Ako ngayo'y nag-iisa
Hinaharap ang buhay na puno ng problema
Bakit ba dumating ang lahat ng 'to?
Ako ngayo'y gulong-gulo
Inaaliw ang sarili sa dalampasigan
Inaalala ang lahat ng magagandang nakaraan
Na aming pinagsamahan
Nang minamahal kong kaibigan
Buhay talaga ay puno ng pagsubok
Tadhana ang siyang sumsubok
Kaya't ako ay lumalaban
Upang ang sakit sa puso'y makayanan
Hindi ko alam kung ano ang dahilan
Kung bakit pa kailangan lumisan
Diyos na lamang ang nakakaalam
Sa mga sagot sa aking pagdaramdam
Huwag sanang mag-alala
Lagi sanang maging masaya
Sa tuwing ika'y walang kasama
At pag ika'y nag-iisa
Mahal kong kaibigan
Hanggang dito nalang talaga
Salamat sa iyong pagmamahal na iginugol
O! kay sakit sabihin, paalam kaibigan, paalam.