Sunday, September 30, 2012

Oh My Dying World!

0 comments
Damage has been taken

Damage has been done

Demons were dancing

The horizon turns red

Screaming breeze,

Oh my dying world!

It fall with ease.

The crimson sun,

And the scarlet stars

The only one

Left with scars.

I watch the sun

I watch it rise

This is my world

This world of lies

I wonder what,

What tomorrow brings

The rain of blood

The blood of kings

The end is near

The end of fear.

True love will come

But not just for some

It's for everyone,

To save the world

Love will given

Love is strong

The world must awaited

Gold horizon

Your beauty I saw

Oh my loving world!

I live in awe.


Continue reading →
Saturday, September 29, 2012

One Picture

2 comments
We're all come from different places,
We're all come in different sizes,
We're all come in different colors,
We're all have different attributes,

Yet we somehow fit into one picture.

We all have different desires,
We all have different dreams,
We all have different inspirations,
We all have different aspirations,

Yet we all develop into one picture.

We are all created by one creator,
We are all created for one another,
We are all created as one people,
We are all created for one purpose,

And we all made up by one big picture.


Continue reading →
Thursday, September 27, 2012

Advice

1 comments
May humingi sakin ng advice, isang babae, kung sasagutin daw ba niya ang manliligaw niya.?

Ang manliligaw nyang yun ay:

- tumawag sakanya paulit-ulit para kunin ang cellphone number nya.

- isang oras nyang tinitigan ang botelya ng juice dahil nakasulat dun ay "concentrated"

- sinubukan nyang lunurin ang tilapya.

- nakulong daw sya sa grocery store ngunit kinabukasan ay lumabas siyang gutom.

- may katabing ruler sa gabi para sukatin kung gaano kahaba ang tulog nya.

- at huli, nagreklamo sya sa pulisya dahil nabunggo daw sya ng naka-parking na kotse.

Sasagutin daw ba nya ang manliligaw nya?


Continue reading →
Tuesday, September 25, 2012

Tuyong Tinta ng Bolpen: "Hu U?"

4 comments
Kung mahilig ka sa mga kwentong harot at mahilig kang magbasa ng mga kwento sa internet habang nagpepetiks, paniguradong magugustuhan mo ito. "Hu U?" isang teenage fiction na isinulat ng paborito kong writer/blogger na si Panjo ng tuyong tinta ng bolpen. Hindi lang ito basta tipikal na kwento ng pag-ibig na karaniwan mong nababasa sa mga pocket book na palaging hawak ng kapatid mong babae. Ito'y isang kwento na pag naumpisahan mong basahin ay siguradong susundan mo ang takbo ng kwento gaya ng pag-aabang mo ng kasunod na mangyayari sa paborito mong teleserye na pinapanood nyo ng nanay mo tuwing gabi.

Kwento ito ni Loi, isang binata, college graduate at single. Nag-umpisa ang istoryang ito nang magulat si Loi sa pag sigaw ng isang dalaga sa mall, kaya sa pagtataka nito sinundan niya ito hanggang pumasok ito sa isang bookstore. Si Jane, siya yung sumigaw sa mall - maganda, mabait at problemado sa lovelife. Biglang naging malapit ang loob ng dalawa sa isa't-isa sa iksi ng panahon nilang nagkakilala. At dahil sa problema ni Jane napagsunduan nilang magpanggap na mag-boyfriend/girlfriend para pagselosin si Dexter, ang ex-boyfriend ni Jane na pinagpalit siya sa ibang babae, at di naman ito tinanggihan ni Loi. Pinakilala ni Loi si Jane sa kanyang mga magulang at ganun din si Jane na pinakilala naman si Loi sa kanyang ama na sundalo. Hanggang sa isang araw dumating itong si Sofia, ang dating crush ni Loi na nalaman din yang may crush din pala sa kanya. Nag-uumpisa ng mahulog ang loob ni Loi kay Jane pero sa kabilang banda ay gusto din niya si Sofia. Dito na nag-umpisang umikot ang buhay ni Loi sa dalawang babae. Kaya kung gusto nyo malaman ang kasunod ng istorya basahin, saksihan, tumawa at ma-in love sa kwentong pag-ibig na nag-umpisa sa 'Hu u?'.

Bago ang lahat i-like muna ang tuyong tinta ng bolpen sa facebook. At bumisita sa tuyong tinta ng bolpen blog para sa iba pang mga kwento.

Continue reading →
Wednesday, September 19, 2012

Eksina Sa Walang Hanggan

1 comments
DANIEL: "Pero Lola mahal ko si Katirina!"

LOLA HENYA: "Mahal?"

DANIEL: "Opo mahal.."

*sinampal ni Lola Henya si Daniel*

DANIEL: "Bakit nyo po ako sinampal, Lola?"

LOLA HENYA: "Dahil sa RITE-MED bawal ang mahal!"





Continue reading →

Pulubi

3 comments
Tinanong ko yung namamalimos kung anong mararamdaman nya pag binigyan ko siya ng isang libong cash.

Sagot nya, 'mamamatay' daw sya sa tuwa.

Tangina, diko binigyan.



Continue reading →
Saturday, September 15, 2012

Wet Pussy

0 comments
Once upon a time, there was a cat who spent her hours sitting near the river. Near the river from North stands a sausage factory. The cat always waited for pieces of sausage thrown, in order to satisfy her breakfast.

One time, a small sausage was floating in the river. The cat got a stick to reach the sausage, she got it without her body getting wet. Second time, a bigger sausage floated, she ha

d a harder time reaching it with the stick, and this time, her two paws and her face got wet.

Next morning, a HUGE sausage was coming. She must be ready to catch this. Because it was a big sausage, she swam in the water, got the sausage with all her body full of water.

Lesson: the "bigger" the sausage, the wetter the "pussy".





Continue reading →
Wednesday, September 12, 2012

Save You

0 comments
With worried eyes I sit by your side
You made this place for you to hide,
Where you sit sighing with words unspoken
Alone, lost, sad and slightly broken.

He have put you in this state of mind
Driving you away in a safe place to find,
I can see the tears falling from your eyes
He hurt you again with his word of lies.

You've completely lost yourself, let go!
You are still so sweet my friend, I know
Now tell me please what can I do?
Because I will do anything just to save you.



Continue reading →
Tuesday, September 11, 2012

Pain and Rain

0 comments
Dew starts pouring

Through window pane

But it's okay
I love the rain.
I'll stand outside
Let tears wash away
Sadness be gone.
Razor wind shreds
To my plaid skin
But I don't care
I only grin.
And now I see
I am as bloody
On the outside,
As I am within.
Dancing with rain,
Dancing with pain
Down here from hill
Scorching the grass
Can never be still
Liquid crystals fall
Only can be seen
Falling to the earth
And gathering red.
Red is now all over,
And white becomes dirty
As dirty as me.


Continue reading →
Thursday, September 6, 2012

Mefenamic: Ang Kwento Ng Pain-ibig [Chapter II]

1 comments


Maluha-luha ang aking mga mata na siyang asset ko pa naman sabi ng aking inay na sinang ayunan ko naman. Ang sakit ng bagang ko nasagi ito nung pagkurot ni Jane sa medyo namamaga kong pisngi.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jane na bakas sa mukha ang pagkagulat sa pagsigaw ko.

"Me-hyo" sagot ko habang nakapilipit yung dila ko sa ipin na kumikirot.
"Hala! Sorry, sumasakit ba ipin mo?"
"Kaninang umaga pa ito kumikirot"

Aayain ko na sana ang sarili ko na pumunta sa clinic para makahingi ng gamot at para narin makatakas sa mata ng mga estudyante na kanina pa nakatingin sa amin nang biglang may inabot sa akin si Jane.

"Mefenamic?"

"Gamot sa kumikirot na ipin."

Tumayo si Jane sa kinauupuan niya at pumunta sa drinking fountain para kumuha ng tubig na maiinom. Ang babaeng kanina na nag-eemo at nagbigay saken ng pag-aalala ay siya namang nag-aalala saken ngayon. Si Jane yung tipo na pag may nangyari sa akin ay agad na nagpapanic sa pag-aalala, daig pa niya ang nanay ko na gusto ako paliguan ng mosquito repellant para hindi ako madapuan ng lamok.

Nakilala ko si Jane nung naging magkaklase kami sa Community Service class nung first year pa lang kami. Nagsimula lang kami maging close nung minsan ay iniligtas ko siya sa isang aso na nag-aamok at nanghahabol ng kagat sa isang barangay na pinuntahan namin. Naging instant hero niya ako nung araw na yun at sa mga oras din yun nalaman kong torpe ako. Humanga ako sa isang babae na kakilala ko pa lang at para mapalapit sa kanya kinaibigan ko siya. Naging matalik ko siyang kaibigan. Hanggang sa nakasanayan na niyang tumakbo sa akin kahit wala ng humahabol sa kanyang aso.

Ako ang nilalapitan niya pag may problema siya at nagpapalitan din kami ng mga dirty-little-secrets sa isa't isa di nagtagal ay mas lalong nagkalapit ang loob naming dalawa. Konting level nalang para dun sa pinapangarap kong maging kami. Pero may isang malaking harang ng katorpehan ang pumipigil saken, na kahit sumakay ako sa likod ni yoshi kasama si super mario ay di ko parin kayang talunan ito at lampasan. Kaya doon nalang ako sa stage na kung saan ay hanggang mag bestfriend nalang kami.
"Inumin mo na yan. Ito tubig oh."

Inabot saken ni Jane yung tubig at ininom ko na yung gamot na ibinigay niya. Tiningnan niya ako na may bahid ng pag-aalala sa pagsakit ng ipin ko. Nginitian ko siya.

"Super epekteb yung gamot ah.. Nawala agad yung kirot ng ipin na nararamdaman ko." Sabi ko sa kanya para pawiin yung pag-aalala niya.

"Sigurado ka? Gusto mo samahan kita mamaya sa dentista?"

"Naku wag na. Ayoko sa dentista."

"Takot ka lang bunutan ng ipin e." pang aasar ni Jane.

"Ako takot? Hindi kaya." depensa ko sa sarili. Hindi naman talaga ako takot sa dentista o magpabunot ng ngipin, ayaw ko lang talaga na nadadapuan ang gums ko ng karayum. Hindi talaga ako takot. I swear.

"Simpleng sakit ng ipin lang 'to, maya-maya ay mawawala din ito."

Tumunog na yung school bell nagpapahiwatig na 11:00am na. Oras na para pumasok sa last subject ngayong umaga. Ihahatid ko muna si Jane sa classroom niya bago ako aakyat dun sa susunod kong klase. Ramdam ko parin ang konting kirot ng ipin ko pero naglaho ito ng nginitian ako ni Jane.

"Dito nalang ako. Hanggang bukas ulit. Ingat ka. Paalam, Renz."

"Sige, text-text nalang. Good luck, Jane. Ingat"

ITUTULOY...
Continue reading →
Wednesday, September 5, 2012

If I Fall

0 comments
I love her but she doesn't know,
I don't know how to let her go.
She seemed so happy there with me,
But I guess that we'll never be.

I wish I had the chance to say,
That I think of her everyday.
Every night I lay down to sleep
When I wake up I feel so weak.

The memories just fill my head
All the words that left unsaid.
The nights where we would lay together,
I wish that they could last forever.

Slowly moving, I feel her touch
Thinking, I love her that much.
Knowing it would scare her away,
That's why I just couldn't say.

I don't know how to say it now,
Can I? Where? When? How? 
I hate being the first to go,
But I just have to let her know.

I'm risking my heart, my soul
Being with her is my only goal.
So here I go, give it my all
Yet, who's going to catch me if I fall?



Continue reading →
Monday, September 3, 2012

Mefenamic: Ang Kwento Ng Pain-ibig [Chapter I]

0 comments

“Handa mo bang ipusta ang inyong pagkakaibigan para sa tsansang maging kayo?”


"Beeeeeeeest!" Sigaw ko habang mabilis na inangat ang aking katawan at umupo sa kama ko. Daig ko pa ang hinabol ng aso ni Mang Usting sa bilis ng hingal ko at gabutil na pawis sa noo ko. Panaginip lang pala. Napakamot nalang ako sa ulo at pilit inaalala kung ano yung nangyari sa panaginip ko. Best? Sinong best? Si Jane ba? Bigla akong naguluhan 'sing gulo ng buhok ko. Bestfriend ko si Jane pero hindi best ang tawag ko sa kanya. Wala din akong kilalang best ang pangalan. Malabong si Beast Machine (tawag ko sa professor ko sa Safety Management na parang beast machine transformer dahil biglang nagtatransform) yung nasa panaginip ko, beast yun hindi best.

Tumingin ako sa orasan 6:14am pa pala masyado pang maaga para sa klase ko mamayang 8:30am sa humanities. Babalik na sana ako sa pag higa ng aaaargh! biglang sumakit ang ipin ko. Naghanap ako ng gamot pero wala na palang laman ang medicine cabinet namin kaya bumaba nalang ako sa kusina at nagmumog nalang ng tubig na may konting asin. Naibsan ng konti ang kirot na nararamdaman ko. Imbes na bumalik sa kwarto ay dumiritso nalang ako sa banyo para maligo para makalimutan ko ang kumikirot kong ipin.


CHAPTER I:

"Oh ang aga mo ata ngayon?" tanong ni Inay habang nagluluto ng aming agahan.

"Sumakit kasi bigla ang ipin ko kanina. Hindi na ako makabalik ng tulog kaya naligo nalang ako." sagot ko habang pinupunasan ko ng tuwalya ang basa kong buhok. Hindi ko narin nararamdaman na kumikirot ang ipin ko.

"Kaya pala narinig kitang sumisigaw kanina akala ko kung ano na nangyari sayo." Bigla ko nalang naalala yung pagsigaw ko kanina at inisip ko din kung tungkol saan yung panaginip ko. Sumagi bigla sa isip ko si Jane. Kamusta na kaya ang bestfriend kong yun? Mag-iisang linggo na pala mula nung breakup nila ni Paulo. Malamang mag-eemo na naman yun mamaya.

"Bumili ka ng gamot mamaya pag uwi mo baka kasi sumakit na naman yang ipin mo saka wala na din tayong gamot dun sa medicine cabinet natin" pagputol ni inay sa malalim kong pag-iisip.

"Opo Nay."


*****

Pagkatapos ng klase ko sa dalawang subject ay agad akong dumiretso sa school canteen hindi para lumamon kundi para puntahan si Jane. Nakasanayan ko nang puntahan siya dun matapos ng klase. Doon kasi siya tumatambay at naghihintay para sa next subject niya saka malapit din kasi ang classroom niya dun.

Tanaw ko na siya sa malayo kaharap ang isang balot ng chippy at bote ng c2. Tama ang hinala ko nag-eemo na naman siya. Mahihiya ang buhok ni Hayley Williams sa paside view na hawi ng buhok niya ngayon. Pero maganda parin siya titigan sa malayo. Namiss ko tuloy yung pag ponytail niya sa kanyang buhok na mas lalong nagpapaganda sa bilugan niyang mukha. Nalulungkot akong isipin na nagkakaganyan siya ngayon dahil dun sa ex niyang si Paulo. Di ko maiitatangging may parte saken na masaya dahil wala na sila pero nasasaktan pa din ako pagnakikita ko siyang nalulungkot. Oo, matagal ko ng gusto si Jane kaso hindi ko masabi sa kanya. May chance na sana ako noon pero ng sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko ay inunahan naman ako ng espirito ng kaba hanggang sa naunahan ako ni Paulo at naging sila na. Tinanggap ko nalang ang masaklap na katutuhanan na hanggang mag bestfriend lang talaga kami. Hanggang ngayon. Ayoko ding mag take advantage dahil wala na sila Paulo. At higit sa lahat ayokong mawala ang tiwala niya saken dahil bestfriend niya ako. Bestfriend lang.

"Nakakamatay ang sobrang kalungkutan. Chronic depression ika nga. Kaya wag kang masyadong emo diyan." pambungad ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Maiksi lang ang buhay kaya enjoyin nalang natin. Cheers!" pabiro kong sabi at itinaas yung bote ng c2 na nasa harapan niya.

"Baliw ka talaga" sabi niya at ngumiti siya ng bahagya.

"Wag ka na kasing malungkot diyan." sabi ko sabay hawi ng kanyang buhok na tinatabunan na ang kanyang maamong mukha.

"Hindi naman ako malungkot ah."

"Hindi daw oh." tiningnan ko siya ng diretso. Ngumiti siya pero bakas padin sa kanyang mga mata ang kalungkutan na dulot ng nangyari. Di ko siya masisisi sa kung anong nararamdaman niyang sakit ngayon, mahigit isang taon din kasi ang itinagal ng relasyon nila ni Paulo bago siya iwanan nito sa rason na hindi na daw siya masaya sa piling niya. Saklap. Kung anong sakit sa kanya ay ganun din ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang naluluha na ang mga mata pero pilit paring tumatawa. Pero parang ayaw na ding maglabas ng sama ng loob ni Jane ngayon bukod sa ayaw niyang maraming makakita sa kanya na umiiyak ay nabuhos na niya nung isang araw pa lahat saken ang hinanakit niya sa hiwalayan nila.

"Isipin mo nalang na may mga tao talagang pinagtagpo ng tadhana... to tear them apart. hehe" biro ko.

"Ha-ha-ha. Loko ka talaga, Renz" sabi niya habang tumawa.

"Napatawa na din kita. Lalo kang gumaganda pag ganyan.hehe"

"Gumaganda ka diyan. Bestfriend mo lang kasi ako kaya mo yan sinasabi"

"Oo, bestfriend kita kaya nagsasabi ako ng totoo."

"Sige na nga. Maraming salamat ha, kasi lagi kang andyan sa tabi ko pag may problema ako at pinapatawa" ngumiti siya saken this time yung genuine na ngiti na talaga.

"Kasama sa job description ko ng pagiging bestfriend ang pangitiin ka, makinig sa mga hinaing mo, at iyakan mo sa tuwing may problema ka" sabi ko sabay kurap ng mata.

"Nagpapacute ka na naman." hinawakan nya ang pisngi ko at kinurot.

"Aaaaaaah! aray!" napasigaw ako ng malakas at nagtinginan ang mga kapwa namin estudyante sa paligid.



ITUTULOY...


Continue reading →

Facebook

BLOGS NG PINOY Proudly Pinoy!

Label

14 Days Of Love A Cosmic Phenomenon A Message From Best Friend A Thousand Ways acrostic Acrostic Poem Adios Amigo Afraid Of Losing You Back Into You Bakit? Behind Those Eyeglasses Bridge On Broken Dreams Cancer Community Dark Poem Dear Someone At School Depression Did She Cry Last Night? Doodle Dove Dyen Erica Evil Intentions Fantasy Father Forum Free Downloads Free Facebook Free Twitter Friendship Friendship Poem Funny Humor Girls Cry Happy Monthsary Harrowing Pain for Love in Vain Hate Red Hatred Heart Broken I Love Her I MISS YOU (How Much More) I'm Here For You I'm Sorry If You Care If You're Reading This It's All Fantasy Joyce kwento ng pain-ibig Let Me Cry Lihim Literati Writing Challenge Lonely Heart Lost Without You Lotz16 love Love Is Such A Lovely Torture Love Poem love poems Love Story Mary Mika Minutes Before Dawn Misery Miss Online Miss U Missing Poem Monthsary Poem Moving On My Friend My Infinite LOVE My Questions Nailed in the Hand Oh Pag-ibig Nga Naman One Last Time One Picture Pag-ibig Pain PH Developers Alliance Poem Pour Me A Drink Raven realization Relasyon Sana Naman Sanctum save you Secret Message She Who Must Not Be Named Short Stories Sixth Senseless Sonnet Smart Free Internet Smart Freenet SmartNet Smile Someone In My Past Stories Talking To Self Taxonomy of Love The Accused The Apparition The Beautiful The Bliss of Dying The Universal These Lovely Things Thoughts To be LOVED through MAGIC Tula Unang Pag-ibig Undying Pain Unexpected Refuge Uninspired Unspoken Words Untitled Valentines Day Waiting What If? When Darkness Falls Why Why She Danced In The Rain Writer's Block You're My All