Kung mahilig ka sa mga kwentong harot at mahilig kang magbasa ng mga kwento sa internet habang nagpepetiks, paniguradong magugustuhan mo ito. "Hu U?" isang teenage fiction na isinulat ng paborito kong writer/blogger na si Panjo ng tuyong tinta ng bolpen. Hindi lang ito basta tipikal na kwento ng pag-ibig na karaniwan mong nababasa sa mga pocket book na palaging hawak ng kapatid mong babae. Ito'y isang kwento na pag naumpisahan mong basahin ay siguradong susundan mo ang takbo ng kwento gaya ng pag-aabang mo ng kasunod na mangyayari sa paborito mong teleserye na pinapanood nyo ng nanay mo tuwing gabi.
Kwento ito ni Loi, isang binata, college graduate at single. Nag-umpisa ang istoryang ito nang magulat si Loi sa pag sigaw ng isang dalaga sa mall, kaya sa pagtataka nito sinundan niya ito hanggang pumasok ito sa isang bookstore. Si Jane, siya yung sumigaw sa mall - maganda, mabait at problemado sa lovelife. Biglang naging malapit ang loob ng dalawa sa isa't-isa sa iksi ng panahon nilang nagkakilala. At dahil sa problema ni Jane napagsunduan nilang magpanggap na mag-boyfriend/girlfriend para pagselosin si Dexter, ang ex-boyfriend ni Jane na pinagpalit siya sa ibang babae, at di naman ito tinanggihan ni Loi. Pinakilala ni Loi si Jane sa kanyang mga magulang at ganun din si Jane na pinakilala naman si Loi sa kanyang ama na sundalo. Hanggang sa isang araw dumating itong si Sofia, ang dating crush ni Loi na nalaman din yang may crush din pala sa kanya. Nag-uumpisa ng mahulog ang loob ni Loi kay Jane pero sa kabilang banda ay gusto din niya si Sofia. Dito na nag-umpisang umikot ang buhay ni Loi sa dalawang babae. Kaya kung gusto nyo malaman ang kasunod ng istorya basahin, saksihan, tumawa at ma-in love sa kwentong pag-ibig na nag-umpisa sa 'Hu u?'.
Bago ang lahat i-like muna ang tuyong tinta ng bolpen sa facebook. At bumisita sa tuyong tinta ng bolpen blog para sa iba pang mga kwento.
Tuesday, September 25, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
selpown! selpown! selpown! haha! nice reccipot!
wahahaha.. gawa ka na amphie :D
Nice one sir 16! May bagong cellphone ka na!!! Hahahaha :D
hahaha.. LOL ewan ko lang kung tama ang gawa ko.. di lang naman ako yung sumali kaya di parin sure..wahaha :D