Monday, September 3, 2012

Mefenamic: Ang Kwento Ng Pain-ibig [Chapter I]

0 comments

“Handa mo bang ipusta ang inyong pagkakaibigan para sa tsansang maging kayo?”


"Beeeeeeeest!" Sigaw ko habang mabilis na inangat ang aking katawan at umupo sa kama ko. Daig ko pa ang hinabol ng aso ni Mang Usting sa bilis ng hingal ko at gabutil na pawis sa noo ko. Panaginip lang pala. Napakamot nalang ako sa ulo at pilit inaalala kung ano yung nangyari sa panaginip ko. Best? Sinong best? Si Jane ba? Bigla akong naguluhan 'sing gulo ng buhok ko. Bestfriend ko si Jane pero hindi best ang tawag ko sa kanya. Wala din akong kilalang best ang pangalan. Malabong si Beast Machine (tawag ko sa professor ko sa Safety Management na parang beast machine transformer dahil biglang nagtatransform) yung nasa panaginip ko, beast yun hindi best.

Tumingin ako sa orasan 6:14am pa pala masyado pang maaga para sa klase ko mamayang 8:30am sa humanities. Babalik na sana ako sa pag higa ng aaaargh! biglang sumakit ang ipin ko. Naghanap ako ng gamot pero wala na palang laman ang medicine cabinet namin kaya bumaba nalang ako sa kusina at nagmumog nalang ng tubig na may konting asin. Naibsan ng konti ang kirot na nararamdaman ko. Imbes na bumalik sa kwarto ay dumiritso nalang ako sa banyo para maligo para makalimutan ko ang kumikirot kong ipin.


CHAPTER I:

"Oh ang aga mo ata ngayon?" tanong ni Inay habang nagluluto ng aming agahan.

"Sumakit kasi bigla ang ipin ko kanina. Hindi na ako makabalik ng tulog kaya naligo nalang ako." sagot ko habang pinupunasan ko ng tuwalya ang basa kong buhok. Hindi ko narin nararamdaman na kumikirot ang ipin ko.

"Kaya pala narinig kitang sumisigaw kanina akala ko kung ano na nangyari sayo." Bigla ko nalang naalala yung pagsigaw ko kanina at inisip ko din kung tungkol saan yung panaginip ko. Sumagi bigla sa isip ko si Jane. Kamusta na kaya ang bestfriend kong yun? Mag-iisang linggo na pala mula nung breakup nila ni Paulo. Malamang mag-eemo na naman yun mamaya.

"Bumili ka ng gamot mamaya pag uwi mo baka kasi sumakit na naman yang ipin mo saka wala na din tayong gamot dun sa medicine cabinet natin" pagputol ni inay sa malalim kong pag-iisip.

"Opo Nay."


*****

Pagkatapos ng klase ko sa dalawang subject ay agad akong dumiretso sa school canteen hindi para lumamon kundi para puntahan si Jane. Nakasanayan ko nang puntahan siya dun matapos ng klase. Doon kasi siya tumatambay at naghihintay para sa next subject niya saka malapit din kasi ang classroom niya dun.

Tanaw ko na siya sa malayo kaharap ang isang balot ng chippy at bote ng c2. Tama ang hinala ko nag-eemo na naman siya. Mahihiya ang buhok ni Hayley Williams sa paside view na hawi ng buhok niya ngayon. Pero maganda parin siya titigan sa malayo. Namiss ko tuloy yung pag ponytail niya sa kanyang buhok na mas lalong nagpapaganda sa bilugan niyang mukha. Nalulungkot akong isipin na nagkakaganyan siya ngayon dahil dun sa ex niyang si Paulo. Di ko maiitatangging may parte saken na masaya dahil wala na sila pero nasasaktan pa din ako pagnakikita ko siyang nalulungkot. Oo, matagal ko ng gusto si Jane kaso hindi ko masabi sa kanya. May chance na sana ako noon pero ng sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko ay inunahan naman ako ng espirito ng kaba hanggang sa naunahan ako ni Paulo at naging sila na. Tinanggap ko nalang ang masaklap na katutuhanan na hanggang mag bestfriend lang talaga kami. Hanggang ngayon. Ayoko ding mag take advantage dahil wala na sila Paulo. At higit sa lahat ayokong mawala ang tiwala niya saken dahil bestfriend niya ako. Bestfriend lang.

"Nakakamatay ang sobrang kalungkutan. Chronic depression ika nga. Kaya wag kang masyadong emo diyan." pambungad ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Maiksi lang ang buhay kaya enjoyin nalang natin. Cheers!" pabiro kong sabi at itinaas yung bote ng c2 na nasa harapan niya.

"Baliw ka talaga" sabi niya at ngumiti siya ng bahagya.

"Wag ka na kasing malungkot diyan." sabi ko sabay hawi ng kanyang buhok na tinatabunan na ang kanyang maamong mukha.

"Hindi naman ako malungkot ah."

"Hindi daw oh." tiningnan ko siya ng diretso. Ngumiti siya pero bakas padin sa kanyang mga mata ang kalungkutan na dulot ng nangyari. Di ko siya masisisi sa kung anong nararamdaman niyang sakit ngayon, mahigit isang taon din kasi ang itinagal ng relasyon nila ni Paulo bago siya iwanan nito sa rason na hindi na daw siya masaya sa piling niya. Saklap. Kung anong sakit sa kanya ay ganun din ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang naluluha na ang mga mata pero pilit paring tumatawa. Pero parang ayaw na ding maglabas ng sama ng loob ni Jane ngayon bukod sa ayaw niyang maraming makakita sa kanya na umiiyak ay nabuhos na niya nung isang araw pa lahat saken ang hinanakit niya sa hiwalayan nila.

"Isipin mo nalang na may mga tao talagang pinagtagpo ng tadhana... to tear them apart. hehe" biro ko.

"Ha-ha-ha. Loko ka talaga, Renz" sabi niya habang tumawa.

"Napatawa na din kita. Lalo kang gumaganda pag ganyan.hehe"

"Gumaganda ka diyan. Bestfriend mo lang kasi ako kaya mo yan sinasabi"

"Oo, bestfriend kita kaya nagsasabi ako ng totoo."

"Sige na nga. Maraming salamat ha, kasi lagi kang andyan sa tabi ko pag may problema ako at pinapatawa" ngumiti siya saken this time yung genuine na ngiti na talaga.

"Kasama sa job description ko ng pagiging bestfriend ang pangitiin ka, makinig sa mga hinaing mo, at iyakan mo sa tuwing may problema ka" sabi ko sabay kurap ng mata.

"Nagpapacute ka na naman." hinawakan nya ang pisngi ko at kinurot.

"Aaaaaaah! aray!" napasigaw ako ng malakas at nagtinginan ang mga kapwa namin estudyante sa paligid.



ITUTULOY...


Leave a Reply

Facebook

BLOGS NG PINOY Proudly Pinoy!

Label

14 Days Of Love A Cosmic Phenomenon A Message From Best Friend A Thousand Ways acrostic Acrostic Poem Adios Amigo Afraid Of Losing You Back Into You Bakit? Behind Those Eyeglasses Bridge On Broken Dreams Cancer Community Dark Poem Dear Someone At School Depression Did She Cry Last Night? Doodle Dove Dyen Erica Evil Intentions Fantasy Father Forum Free Downloads Free Facebook Free Twitter Friendship Friendship Poem Funny Humor Girls Cry Happy Monthsary Harrowing Pain for Love in Vain Hate Red Hatred Heart Broken I Love Her I MISS YOU (How Much More) I'm Here For You I'm Sorry If You Care If You're Reading This It's All Fantasy Joyce kwento ng pain-ibig Let Me Cry Lihim Literati Writing Challenge Lonely Heart Lost Without You Lotz16 love Love Is Such A Lovely Torture Love Poem love poems Love Story Mary Mika Minutes Before Dawn Misery Miss Online Miss U Missing Poem Monthsary Poem Moving On My Friend My Infinite LOVE My Questions Nailed in the Hand Oh Pag-ibig Nga Naman One Last Time One Picture Pag-ibig Pain PH Developers Alliance Poem Pour Me A Drink Raven realization Relasyon Sana Naman Sanctum save you Secret Message She Who Must Not Be Named Short Stories Sixth Senseless Sonnet Smart Free Internet Smart Freenet SmartNet Smile Someone In My Past Stories Talking To Self Taxonomy of Love The Accused The Apparition The Beautiful The Bliss of Dying The Universal These Lovely Things Thoughts To be LOVED through MAGIC Tula Unang Pag-ibig Undying Pain Unexpected Refuge Uninspired Unspoken Words Untitled Valentines Day Waiting What If? When Darkness Falls Why Why She Danced In The Rain Writer's Block You're My All