Maluha-luha ang aking mga mata na siyang asset ko pa naman sabi ng aking inay na sinang ayunan ko naman. Ang sakit ng bagang ko nasagi ito nung pagkurot ni Jane sa medyo namamaga kong pisngi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jane na bakas sa mukha ang pagkagulat sa pagsigaw ko.
"Me-hyo" sagot ko habang nakapilipit yung dila ko sa ipin na kumikirot.
"Hala! Sorry, sumasakit ba ipin mo?"
"Kaninang umaga pa ito kumikirot"
Aayain ko na sana ang sarili ko na pumunta sa clinic para makahingi ng gamot at para narin makatakas sa mata ng mga estudyante na kanina pa nakatingin sa amin nang biglang may inabot sa akin si Jane.
"Mefenamic?"
"Gamot sa kumikirot na ipin."
Tumayo si Jane sa kinauupuan niya at pumunta sa drinking fountain para kumuha ng tubig na maiinom. Ang babaeng kanina na nag-eemo at nagbigay saken ng pag-aalala ay siya namang nag-aalala saken ngayon. Si Jane yung tipo na pag may nangyari sa akin ay agad na nagpapanic sa pag-aalala, daig pa niya ang nanay ko na gusto ako paliguan ng mosquito repellant para hindi ako madapuan ng lamok.
Nakilala ko si Jane nung naging magkaklase kami sa Community Service class nung first year pa lang kami. Nagsimula lang kami maging close nung minsan ay iniligtas ko siya sa isang aso na nag-aamok at nanghahabol ng kagat sa isang barangay na pinuntahan namin. Naging instant hero niya ako nung araw na yun at sa mga oras din yun nalaman kong torpe ako. Humanga ako sa isang babae na kakilala ko pa lang at para mapalapit sa kanya kinaibigan ko siya. Naging matalik ko siyang kaibigan. Hanggang sa nakasanayan na niyang tumakbo sa akin kahit wala ng humahabol sa kanyang aso.
Ako ang nilalapitan niya pag may problema siya at nagpapalitan din kami ng mga dirty-little-secrets sa isa't isa di nagtagal ay mas lalong nagkalapit ang loob naming dalawa. Konting level nalang para dun sa pinapangarap kong maging kami. Pero may isang malaking harang ng katorpehan ang pumipigil saken, na kahit sumakay ako sa likod ni yoshi kasama si super mario ay di ko parin kayang talunan ito at lampasan. Kaya doon nalang ako sa stage na kung saan ay hanggang mag bestfriend nalang kami.

"Inumin mo na yan. Ito tubig oh."
Inabot saken ni Jane yung tubig at ininom ko na yung gamot na ibinigay niya. Tiningnan niya ako na may bahid ng pag-aalala sa pagsakit ng ipin ko. Nginitian ko siya.
"Super epekteb yung gamot ah.. Nawala agad yung kirot ng ipin na nararamdaman ko." Sabi ko sa kanya para pawiin yung pag-aalala niya.
"Sigurado ka? Gusto mo samahan kita mamaya sa dentista?"
"Naku wag na. Ayoko sa dentista."
"Takot ka lang bunutan ng ipin e." pang aasar ni Jane.
"Ako takot? Hindi kaya." depensa ko sa sarili. Hindi naman talaga ako takot sa dentista o magpabunot ng ngipin, ayaw ko lang talaga na nadadapuan ang gums ko ng karayum. Hindi talaga ako takot. I swear.
"Simpleng sakit ng ipin lang 'to, maya-maya ay mawawala din ito."
Tumunog na yung school bell nagpapahiwatig na 11:00am na. Oras na para pumasok sa last subject ngayong umaga. Ihahatid ko muna si Jane sa classroom niya bago ako aakyat dun sa susunod kong klase. Ramdam ko parin ang konting kirot ng ipin ko pero naglaho ito ng nginitian ako ni Jane.
"Dito nalang ako. Hanggang bukas ulit. Ingat ka. Paalam, Renz."
"Sige, text-text nalang. Good luck, Jane. Ingat"
ITUTULOY...

wala na bang kasunod??